Nakaupo ako sa may labas ng bahay... kakatapos lang ng ulan at kitang kita ko na nag -aagaw na ang dilim at liwanag... nagbabadya na pagabi na... mababalot na naman ng dilim ang buong paligid...di natin alam kung muling sisikat ang araw... Narito ako ngayon sa punto na gulong gulo ang isip ko. Ang daming bumabagabag sa akin na hanggang sa ngayon ay tila wala pa ring sagot. Habang nakatanaw ako sa karimlan, bigla kong naisipang kumatha ng isang tula...na bago pa dumilim ay natapos ko na...
Bago Mag-dapit hapon
MJSE
Rosas ang aking tanging handog
Espada at kalasag ng iyong abang lingkod
Ni hindi alintana hirap at pagod
Dayukdok, pasakit, pag alimura't pag ayop
Edeng masanghayang iyong kinaluluklukan
Lundayan ng aking pag ibig na wagas
Lumipas man ang araw, buwan o taon man,
Tanging ikaw lamang, iniibig, minamahal
Itong aking abang pag aalay
Marapatin sana't iyong pagdamutan
Pagka't ang aking nasa at pita
Laging makapiling, Iyo, Habambuhay
Embahadang maganda, dulot ng Maykapal
Na sa aki'y kaloob binigay at inilaan
Aking iaalay, buhay, lahat ng yaman
Talinghagang ito'y siya ring tanging sanla
Iniaalay ko ng tapat sa iyo
Versos, na itong kathang buong lugod
Imbing sinulat, itinatak sa isipa't puso ng
Diyos na may lalang, na sa ati'y sumamo
Ako sa iyo, ngayo'y sumasapit
Dumapit nawa sa iyo , itong aking pag-ibig
No comments:
Post a Comment